Panukala na maglilipat sa BJMP ng pangangasiwa sa mga provincial jail, na-sponsoran na sa plenaryo ng Senado

Nasponsoran na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na maglilipat sa pangangasiwa ng mga provincial at sub provincial jail sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa sponsorship speech ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Ronald “Bato” dela Rosa, naniniwala siya na sa pamamagitan ng panukala ay mas magkakaroon ng kalayaan ang mga provincial government na ilaan ang kanilang resources sa mga prayoridad nilang programa.

Tinukoy ni Dela Rosa na matagal nang hinihingi ang pagkakaroon ng jail integration at maialis sa mga provincial government ang responsibilidad ng pamamahala ng mga provincial at sub provincial jails.


Ang mga kasalukuyang empleyado sa mga provincial at sub provincial jails ay i-a-absorb ng BJMP at isasama pa rin sa kanilang computation sa retirement at pension benefits ang serbisyong itinagal ng mga empleyado bago pa ang paglilipat sa BJMP.

Nakasaad sa panukala na magkakaroon ng 3-year transition period para bigyang daan ang upgrade at magkaroon ng sapat na panahon sa pagsunod sa sanitation, equipment at property requirements.

Facebook Comments