2 tauhan ng PCG, sinibak sa pwesto matapos ang pagtaob ng bangka sa Binangonan, Rizal

Kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio Abu ang pagtanggal sa posisyon sa dalawang tauhan ng PCG.

Kaugnay ito ng pagtaob na bangkang “Aya Express” sa Binangonan, Rizal kung saan 26 katao ang nasawi.

Ayon kay Abu, layon nito na maisagawa ang patas, tapat at transparent na imbestigasyon.


Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na ang motorbanca ay may 42 seating capacity, pero ang sakay nito ay umabot ng 60 pasahero.

Lumalabas din na 22 lamang ang sakay na nakalista sa passenger manifest ng kapitan ng motorbanca.

Facebook Comments