Wild suggestion kung maituturing ang isinusulong na panukalang batas ng isang mambabatas sa Amerika na naglalayong putulin ang tulong panseguridad na ibinibigay ng US sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, personal na opinyon lamang ito ni Pennsylvania Representative Susan Wild.
Sinabi ni Roque na malayo pa ang tatahakin ng naturang panukalang batas na tiyak na dadaan pa sa ibang lawmakers ng Estados Unidos.
Paliwanag nito, kapareho natin ng sistema sa Amerika kung saan ang isang panukalang batas ay dinidinig sa Kongreso at Senado bago tuluyang maging isang ganap na batas.
Kasunod nito, kampante si Roque na kinikilala ng Estados Unidos ang Pilipinas bilang partner lalo na sa usapin ng national security.
Facebook Comments