Suportado ng apat na top-performing government financial institutions o GFIs ang House Bill No. 6398 o panukalang lilikha sa Sovereign Wealth Fund o SWF.
Kinabibilangan ito ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP).
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, layunin ng SWF na mapakinabangan ng mga Pilipino ang mga profitable investible government assets ng bansa.
Sa pagdinig ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries, sinabi ni GSIS President at General Manager Jose Veloso na bilang suporta ay magbibigay sila ng P125 billion para masimulan na ang incorporation at mailatag ang mga principles ng SWF.
Inihayag naman nina DBP President Emmanuel Herbosa, SSS President and CEO Michael Regino, at Land Bank President and CEO Cecilia Borromeo, na sang-ayon din sila sa isinusulong ng mga mambabatas na MWF creation.
At sa katunayan ay magbibigay ng tig-P50 billion ang SSS at LBP, at P25 billion naman mula sa DBP.