Hinimok ni Senator Imee Marcos ang Philippine National Police (PNP) na na makipag-ugnayan sa mga local government unit (LGU) hinggil sa posibilidad na magpatupad ng liquor curfew.
Pahayag ito ni Marcos kasunod ng naitatalang 149 na kaso ng rape o pang-gagahasa sa mga kababaihang estudyante sa bansa kung karamihan dito ay mula sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa senadora, kalimitan itong nangyayari tuwing araw ng sahod, fiesta, concert at iba pang public occasion kung saan hindi maiiwasang may inuman at kung minsan ay may kasamang droga.
Aniya, sa pamamagitan ng liquor curfew ay mahihinto na ang mga lugar na laganap ang pang-gagahasa.
Facebook Comments