Panukalang muling pagpapataw ng death penalty, may tsansang maipasa sa senado

Tiwala si Senate President Koko Pimentel na malaki ang tsana na lumusot sa senado ang panukalang pagbabalik ng parusang bitay.
 
Ang pahayag ay ginawa ni Pimentel makaraang lumusot na sa 2nd reading ang death penalty bill na nakasentro lang sa high level drug trafficking.
 
Ayon kay Pimentel, maraming senador ang katulad niya na bukas sa version ng death penalty bill na nagtatakda na pinaka henious o pinakamatinding krimen ang high level na kalakalan ng ilegal na droga.
 
Gayunpaman, inaasahan ni Pimentel na magkakaroon ng close fight o matinding labanan ang mga pro at anti-death penalty sa senators.
 
Sa tantya ni Sen. Pimentel, ay maaring maging 14 -10 ang boto pabor sa pagbabalik ng death penalty pero maari rin aniyang ito ay magkabaligtad.
 


Facebook Comments