Panukalang pagbuhay sa anti-subversion law, ‘undemocratic – Bayan Muna

Tinawag na ‘undemocratic’ ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate ang panawagang buhayin ang anti-subversion law.

Sa harap ito ng umano’y recruitment ng mga militanteng grupo sa mga estudyante.

Giit ni Zarate, hindi kriminal ang pagiging aktibista.


Samantala ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – hindi dapat katakutan ng mga kritiko ng gobyerno at lehitimong leftist organization ang anti-subversion law.

Aniya, hindi naman sila ang target ng batas kundi ang CPP-NPA at mga grupong binuo nito.

Umaasa naman ang NCRPO na mauulit ang dayalogo nila sa 18 eskwelahan sa Metro Manila kung saan nagsasagawa ng recruitment ang NPA.

Sina Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate at NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar sa interview ng RMN Manila.

Facebook Comments