Panukalang Paglalagay ng mga Road Warning Signs sa mga Construction Site, Pinirmahan na ni Isabela Gov. Bojie Dy III!

*Cauayan City, Isabela- *Inaprubahahan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang panukalang ordinansa na paglalagay ng mga Warning Signs sa mga construction site sa mga lansangan.

Ito ay inisponsoran ni Isabela Board Member Rolly Foronda kung saan magbibigay na umano sila ng kopya ng napirmahang ordinansa para sa lahat ng mga kontractors at sa lahat ng hanay ng PNP dito sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa inihayag ni Board Member Rolly Foronda, mandato sa lahat ng mga contractors na maglagay ng warning signs mula 200 meters, 150 meters, 100 meters at 50 meters bago ang actual na construction site sa lansangan.


Hiniling naman nito ang tulong ng kapulisan at mga brgy. Officals na ireport ang kanilang mga makikitang construction site na walang warning signs upang mabigyan ng parusa ang sinumang contractors na hindi sumusunod sa nasabing ordinansa.

Samantala, hinintay parin sa ngayon ang pirma ng ating gobernador hinggil sa ipinapanukalang ordinansa ni Board Member Rolly Foronda para sa lahat ng mga motorista na gamitin ang outer most lane ng mga napalawak na highway.

Facebook Comments