MANILA – Hindi pa rin sumusuko si Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares sa pagsusulong ng dagdag na P2,000 sa buwanang tinatanggap ng SSS pensioners.Ito ay kahit pa mabigo ang kamara na ma-override ang veto ni Pangulong Noynoy Aquino sa SSS pension hike sa huling sesyon kahapon ng 16th congress.Sa interview ng RMN, sinabi ni Colmenares na malaki ang tiyansa na maisabatas ito lalo na’t hihilingin nila kay Incoming President Rodrigo Duterte na magpalabas ng kautusan para sa naturang dagdag pension.Nanghihinayang si Colmenares sa hindi paglusot ng SSS pension hike dahil mas mabilis na sanang maisasabatas ito pagpasok ng 17thcongress.Bukod rito, sayang din aniya ang mga buwan na dapat ay nakakatanggap na sana ang mga retiradong SSS members.Nabatid na ito na sana ang pagkakataon ng kamara na makagawa ng kasaysayan sa pag-override ng presidential veto.
Panukalang Sss Pension Hike, May Pagasa Pa Sa Duterte Administration, Ayon Kay Colmenares
Facebook Comments