PAO at DSWD, may MOA sa planong pagpapadala ng sulat sa mga ama na hindi nagsusustento sa anak

May Memorandum of Agreement (MOA) na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Public Attorney’s Office (PAO) hinggil sa plano ng DSWD na magpadala ng sulat sa mga magulang na hindi nagsusustento sa kanilang mga anak.

Ito ang nilinaw ng PAO makaraang sabihin ni Justice Secretary Boying Remulla na labas sa mandato ng DSWD ang nais nitong gawin upang maobligang magbigay ng sustento ang mga ama.

Ayon PAO Chief Atty. Percida Acosta, may mga abogado na silang nagdu-duty sa opisina ng DSWD para sa tungkuling ito.


Katunayan aniya, matagal na itong ginagawa ng PAO kung saan si Dinky Soliman pa ang kalihim ng ahensya.

Facebook Comments