Kalibo, Aklan – Namigay ng tulong ang Department of Agriculture DA Western Visayas sa mga magsasaka sa lalawigan ng Aklan para mas mapabuti ang pagiging produktibo nila sa panahon ng pandemya. Ayon kay DA Regional Director Remelyn Recoter dalampu’t isang farmer associations sa Aklan ang nabigyan ng farm equipments para sa rice farming kung saan ito aniya ay mula sa Rice Program ng DA. Nakakuha din umano ang mga ito ng 20,667 bags ng Urea fertilizer at 2,172 hybrid seeds galing naman sa Rice Resiliency Project ito aniya ay kaparti ng Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra Covid- 19. Ayon pa kay Recoter ang nasabing proyekto ng Department of Agriculture ay merong P1.06 billion allocation para sa inbreed at hybrid seeds ganon din sa inorganic fertilizer subsidy para sa mga magsasaka sa Western Visayas.
PARA MAS MAPABUTI ANG PAGIGING PRODUKTIBO SA PANAHON NG PANDEMYA, DEPARTMENT OF AGRICULTURE NAMIGAY NG TULONG SA MGA MAGSASAKA SA AKLAN
Facebook Comments