Parang Damit-Ukay-Ukay Lang, Karton-Karton na Processed Meat, Nasabat ng NMIS sa BusTerminal sa Naga City

Parang mga damit-Ukay-Ukay lang ang sistema ng pagbyahe… pero bawal ito lalung-lalo na kung walang angkop dokumento.
Karton-karton na mga processed assorted processed meat – longanisa, embutido – ang nasabat ng mga operatiba ng Task Force Bantay Karne ng National Meat Inspection Service sa pangunguna ni Dr. Alex Templonuevo at City Veterinary Office.
Ayon sa report, umaabot sa 1,400 kilos na mga longanisa at embutido na nakabalot sa 25 na karton-boxes ang nasakote ng mga ahente ng NMIS at City Vet Office lulan ng isang bus na byaheng Legaspi City. Nag-stop-over ang nasabing bus sa Naga City Bus Terminal
Sa impormasyon na ipinaabot ni Doc Alex, naka-declare lamang na galing ang nasabing kargamento sa Quezon City at pinadala lamang sa bus na bound for Legaspi City at naka-pangalan sa isang Norman Embudo. Hindi nakasaad ang pangalan ng nagpadala nito.
Ang mga nasabat na processed meat ay dinispatsa na ng Task Force Bantay Karne sa Condemnation Pit ng Naga City Abattoir.
– with report from RM Grace Inocentes
– Photos from NMIS




Facebook Comments