
Isinagawa ang Blessing of Site para sa itatayong Formation Hall at Parish Rectory ng St. Padre Pio Parish sa Bacnar, San Carlos City. Binasbasan ang lupang pagtatayuan ng mga bagong gusali bilang paghahanda sa pagsisimula ng konstruksyon na inaasahang magsisimula sa darating na linggo.
Buong pananampalatayang ipinagkatiwala ng pamayanan ang proyektong ito sa ngalan ng Santo Niño at sa pamamagitan ng panalangin kay Padre Pio. Ang pagtatayo ng Formation Hall at Parish Rectory ay inaasahang magsisilbing mahalagang lugar para sa mga gawain ng simbahan, paghubog ng pananampalataya, at mas maayos na paglilingkod ng parokya sa mga mananampalataya.
Patuloy ang panawagan ng simbahan sa kabutihang-loob ng mga nais tumulong upang maisakatuparan ang proyektong ito. Ang sinumang nagnanais magbigay ng donasyon ay maaaring magpadala sa mga sumusunod:
GCash: 0927-850-0857 at BPI: 0211-000-967. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










