Partido Reporma, pormal nang inendorso si Vice President Leni Robredo para sa Eleksyon 2022

Opisyal ng inendorso ng Partido Reporma ang presidential bid ni Vice President Leni Robredo para sa Eleksyon 2022.

Ito ang inanunsyo ni Davao del Norte Representative at Partido Reporma President Pantaleon Alvarez kasunod ng resignation ni dating Partido Reporma standard bearer Senador Ping Lacson.

Ayon kay Alvarez, naniniwala ang partido na ang tanging realistic option sa ngayon ay makipag-isa sa kampanya ni Vice President Robredo.


Aniya, kailangan natin ng mamumuno sa bansa, at sa kabila ng lahat ng konsiderasyon at krisis na kailangang pagtagumpayan, ang dapat mamuno ay isang babae.

Sinabi naman ni Alvarez na si Lacson ang pinakakwalipikado na maging pangulo ngunit iba ang plano sa kanya ng kapalaran.

Samantala, nagbitiw na rin sa pwesto ang tagapagsalita ng Partido Reporma at ilang Cavite-based official nito kasunod ng pagtiwalag ni Lacson sa partido.

Facebook Comments