*Cauayan City, Isabela *- Sinang ayunan ng DILG Isabela ang sigaw ng Roxas na pasado sila sa Road clearing operations!
Ayon sa panayam ng 98.5 iFm Cauayan kay Engr. Corazon Toribio, Director ng DILG Isabela, nakikipag ugnayan na ang kanilang tanggapan sa DILG central office sa pamamagitan ni Regioal Director JONATHAN PAUL LEUSEN para linawin ang nangyaring posting ng grado ng nasabing bayan.
Una rito, umalma ang Roxas sa ulat na tanging ang kanilang bayan ang bumagsak ang grado sa buong region 2.. Ito ay ayon sa assessment and validation na inilabas ng DILG central office. Giit ng Mr. Vicente Andres, ang Municipal Administrator ng Roxas na nakakuha sila ng gradong 85% sa isinagawang validation.
Sa ngayon ay hindi pa makakapagpalabas ng official statement ang DILG Isabela. Pero ayon pa kay Engr. Toribio, batay sa kanilang mga datos ay pasado ang bayan ng Roxas. Paglilinaw pa ng director na wala sa kanilang level ang pagkakamali.
Umaasa ang DILG Isabela ng positibong sagot sa clarification na inihain nila sa central office.