Tuesday, March 10, 2026

Pasaherong papasakay ng eroplano patungong Manila, inaresto sa Mactan-Cebu International Airport dahil sa kasong rape

Naaresto sa joint operation ang isang 22 years old na papaalis na pasahero matapos maisilbi ang warrant of arrest sa departure area ng Mactan-Cebu International Airport dahil sa kinakaharap na kasong rape.

Ayon sa Philippine National Police Aviation Security Group (PNP – AVSEGROUP) ikinasa ang operasyon sa Gate 11 Terminal 1, ng paliparan habang nag hahanda ang suspect na papasakay sa kanyang domestic flight patungong Manila.

Ang nasabing warrant ay inisyu ng Family Court ng Molave, Zamboanga del Sur, dahil sa kasong pangagahasa sa ilalim ng Article 266-A at 266-B ng Revised Penal Code, na walang inirekomendang piyansa.

Kinumpirma ng mga awtoridad na nakapag book ang suspect ng airline ticket gamit ang pangalang alyas para sa schedule ng commercial flight.

Matapos ang koordinasyo sa PNP Police Regional Intelligence Unit 7 at PNP – AVSEGROUP ng Mactan-Cebu International Airport Police Station ay agad dinala ang suspect sa Station 5 ng Lapu-Lapu City Police Office, para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments