PASAWAY | MMDA, wala ng pakialam sa mga taong lalapit sa kanila para mag-apology

186

Manila, Philippines – Wala nang pakialam ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga taong lalapit sa kanila para mag-apology.

Ito ang reaksyon ni Assistant Secretary Celine Pialago, sa panibago na naman trending sa social media, na lalaki na hinuli at nakipagtalo sa MMDA traffic enforcers na kalaunan lumabas na expired pala ang kanyang lisensya.

Sinabi ng MMDA, hindi na nila kailangan pa na humarap sa kanila ang sino man lumabag sa batas trapiko na naging trending sa social media.

Sasampahan na lamang nila ng kaukulang kaso kung meron mang paglabag.

Kung gusto nila na mag-apologize, maaari silang pumunta sa anumang TV stations kung gusto nilang madinig ang kanilang panig.

Matatandaan kamakailam, humingi ng tawad ang lady prosecutor kasama ang kanyang asawa na tampok sa viral video, kung saan nakuhanan siyang nakikipagtalo sa mga traffic enforcer ng MMDA na sinubukang hatakin ang kaniyang sasakyan dahil sa illegal parking.

Bukod pa dito ang babaeng sumayaw sa gitna ng EDSA, na kumasa sa In my feelings dance challenge.

Facebook Comments