Pasay-LGU, papayagan na ang outdoor ng mga bata sa kondisyong sasamahan sila ng bakunadong nakatatanda

Papayagan na ang outdoor activities para mga nasa edad limang taon pataas sa Pasay City sa kondisyong sasamahan sila ng bakunadong nakatatanda o adult.

Ito ang nilalaman ng Executive Order (EO) na inilabas ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Nilinaw sa kautusan na limitado ang galaw ng mga bata sa mga tinukoy na outdoor areas gaya ng playgrounds, mga dalampasigan, biking at hiking trails, outdoor tourist sites at attractions na tutukuyin ng Department of Tourism (DOT), mga outdoor non-contact sports court at venues.


Hindi naman kasama sa mga outdoor area ang mga mixed-use indoor/outdoor building at facilities gaya ng malls at mga kahalintulad na establisyimento.

Nakasaad pa sa EO na ang mga vaccinated na senior citizens ay papayagan ding lumabas sa mga outdoor area basta’t makakapagpakita ng COVID-19 vaccination cards.

Facebook Comments