Pasok sa Provincial Gov’t ng Isabela, Sinuspinde ngayong Hapon!

*Isabela- *Sinuspinde ni Isabela Gov. Faustino Bojie Dy III ang pasok ngayong hapon sa pamahalaang panlalawigan upang mabigyan ng daan ang mga empleyado na maagang makauwi sa kani-kanilang tahanan para sa paghahanda at paggunita ng mahal na araw at pagsuporta na rin sa National Campaign for Public Safety and Welfare ngayong lenten season.

Ito ang kinumpirma ni Ginoong Romy Santos, media consultant ng pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, matapos na magpalabas ng Executive Order 2019-06 si Gov Bojie Dy kahapon.

Nilinaw naman ni Ginoong Santos na sa ibang munisipyo o LGU’s ay nakadipende na anya ito sa desisyon ng mga punong bayan o punong Lungsod kung magdedeklara din ng kalahating araw na pasok sa kani-kanilang lugar.


Pinaalalahanan naman ang lahat ng mga may transaksyon sa Provincial Capitol ngayong araw na agahang magtungo sa mga opisina upang makahabol sa kalahating araw na transakyon.

Samantala, naka hightened alert na ang buong pwersa ng PNP Isabela, mga Rescue Group lalo na sa mga matataong lugar sa Lalawigan para sa segurida ng mga bakasyunista.

Nakalatag na rin ang Command post ng PDRRMC ng Isabela sa ilang mga strategic area upang tumugon sa anumang hindi inaasahang pangyayari.

Facebook Comments