Friday, January 23, 2026

Passport ni Atong Ang, dapat kanselahin agad

Suportado ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima ang hiling ng Department of Interior and Local Government na kanselahin ang pasaporte ni Charlie “Atong” Ang.

Bilang dating Justice Secretary ay binigyang diin ni De Lima na marapat kanselahin sa lalong madaling panahon ang passport ni Ang lalo’t ito ay maituturing na flight risk at may kakayahan at sapat na resources para tumakas palabas ng bansa.

Ayon kay De Lima, kung malakabas man ng Pilipinas si Ang ay may paraan para agad itong maibalik sa bansa kung kanselado na ang pasaporte nito.

Si Ang ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong may kaugnayan sa mga nawawalang sabungero.

Facebook Comments