Hindi sang-ayon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa umiiral na alituntunin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kung saan kinakailangan pang magpaalam ng mga kinatawan ng pulisya sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa mga lugar na umano’y teritoryo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Kaugnay pa rin ito sa nangyaring pananambang ng armadong grupo kay Ampatuan Maguindanao chief of police Lt. Reynaldo Samson at sa kanyang grupo na magsisilbi lang sana ng warrant of arrest sa Barangay Kapinpilan.
Ayon kay Azurin, hindi na dapat pang magpaalam ng kapulisan sa mga ganitong lugar at sitwasyon dahil nag-iisa lamang ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bansa na nagpapatupad ng seguridad.
Dagdag pa nito, kung magpapatuloy ang pag-iral ng ganitong alituntunin ay mahihirapan ang kapulisan na arestuhin ang ilang wanted persons.
Aniya, napapanahon narin para sa kanilang counterpart sa Mindanao na magpakita ng sinseridad sa hangaring makamit ang matagal nang inaasam na kapayapaan sa rehiyon.