MANILA – Naglabas ng patakaran ang Commission on Election sa pagbibigay nila ng ballot replacement sa mga botante sa May 9, election.Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista na hindi lahat ng hihingi ng kapalit na balota ay pagbibigyan nila dahil kakaunti lang ang extra printed ballots.Nilinaw nito na tanging ang mga nasirang balota dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ang maaaring lang mabigyan ng replacement. Habang ang pinsalang kagagawan ng botante, katulad ng napunit, natupi o nabasang balota ay hindi bibigyan ng kapalit.Agad namang sisirain ang mga balotang naideklarang reject o pinalitan para hindi magamit sa iba pang purpose, lalo na sa dayaan.Samantala, nilinaw naman ng Comelec na wala silang nilabag na batas sa pagtanggap ng 1.1 million rolls ng thermal papers mula sa Smartmatic para maging resibo sa mga Vote Counting Machines.Sa interview ng RMN kay Voters Education Head Atty. Karen Jimeno, kinontra nito ang sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na nilabag ng poll body ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.Ang thermal paper ay libreng ipinagkaloob ng technology service provider bilang tulong sa Comelec dahil sa kakapusan ng panahon sa bidding process.
Patakaran Sa Pagbibigay Ng Ballot Replacement Sa May 9 Election, Inilabas Ng Comelec
Facebook Comments