Indonesian National inaresto sa isang bayan ng Sarangani Province

General Santos City—nasa Kustudiya parin ngayon ng Glan Municipal Police Station sa Sarangani Province ang apat na Indonesian National na una nang naaresto sa baybarin ng Barangay Burias sa Bayan ng Glan noong nakaraang araw.

Ang mga nasakote ay sina Tiyan Paos, 31, Sarol Udingan, 21, Faisal Atali, 33 at Aries Untingan, 30. Parehong residenti ng Sanger, Indonesia. Una silang namataan ng mga residenti sa kanilang sinasangyang bangka sa nasabing lugar kaya silay nag report sa PNP.

Agad namang rumispondi ang pulisya at dinala ang apat sa kanilang tanggapan para maimbistigahan. Walang ipinakitang dukumento ang nasabing mga Indonesian national kaya hindi sila pinayagang makaalis ng Police Station.


Sinabi ngisang Interpreter na isang Indonesian na galing ng Gensan ang apat at pauwi na sana sa bansang Indonesia pero nagkaroon ng Aberya ang kanilang bangka kaya sila bumaba ng Glan para maghanap ng aayos ng kanilang bangka. Pero dahil wala silang dukumento silay inaresto.

Facebook Comments