PAY HIKE | Dobleng sahod ng mga pampublikong guro, hindi pa maipa-pangako ng Pangulong Duterte

36

Manila, Philippines – Hindi pa maipapangako ng Gobyerno na mado-doble ang sahod ng mga pampublikong guro.
Ito ang inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng hirit ng mga public school teacher na itaas ang kanilang sweldo matapos ang pay hike para sa mga pulis, sundalo at iba pang uniformed personnel ngayong taon.
Ayon kay Pangulong Duterte, kaniyang sinisuguro na may matatanggap na dagdag sahod ang mga public school teacher pero kailangan muna nilang maghintay.
Sinabi kasi ng Pangulo na hindi kakayanin ang dobleng-sweldo dahil kulang pa sa ngayon ang pondo ng pamahalaan.

Facebook Comments