Payong-payong driver binaril patay kahapon

Patay din ang isang payong-payong driver matapos itong mabaril kahapong 12:59 ng tanghali sa zenaida subdivision barangay RH-8 ng lungsod. Kinilala ang biktima nasi Sadam Diocolano 26 anyos na resident eng barangay RH-7, siyay nagtamo ng apat na tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan mula naman sa calibre 45 pistol na baril. Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP2, may tumawag umano sa biktima na magpasundo sa naturang lugar, pero bago pa siya makarating ay sinundan na siya ng riding in tandem criminals at walang kaabog-abog na pinagbabaril. Matapos ang krimen ay mabilis namang tumakas ang mga suspetsado habang agad ding isinugod sa CRMC ang paying-payong driver subalit mga ilang oras lang ang nakalipas ay siyay binawian din ng buhay…Sa ngayon ay nagpapatuloy parin sa inbestigasyon ang PP2 na pinangunahan ni PCI Efren Salazar.

Facebook Comments