PBA | Alaska Aces, tinalo ang Barangay Ginebra sa tune-up game

Manila, Philippines – Hindi pinaporma ng Alaska Aces ang Barangay Ginebra sa kanilang tune-up game na ginanap sa upper deck gym sa Pasig City.

Tinalo ng Aces ang Gin Kings sa score na 81-75 kung saan nagpakitang gilas ang import ng Alaska na si Tony Campbell na may 22-points.

Sa simula pa lamang, hindi na pinayagan pa ng Aces na makahabol ang Ginebra kaya at nasayang lamang ang ginawang 29-points ng import ng barangay na si Shane Edwards.


Unang sasabak ang Alaska sa PBA Commissioners Cup sa April 27 (Biyernes), alas-7:00 ng gabi laban sa Rain or Shine Elasto Painters na mapapanood sa Araneta Coliseum.

Facebook Comments