PBA | Beermen, Gin Kings target makalamang sa kanilang title series mamayang gabi!

Manila, Philippines – Babasagin ng defending champion San Miguel Beer at Barangay Ginebra ang kanilang 1-all tie sa kanilang pagtutuos sa game 3 ng PBA Commissioner’s Cup finals sa Smart Araneta Coliseum mamayang gabi.

Nakauna ang Gin Kings sa serye matapos tambakan ang Beermen, 127-99 sa game 1.

Pero bumigwas ang San Miguel sa game 2 sa pamamagitan ng 134-109 na panalo para maitabla ang serye.


Inaasahan ni Ginebra Head Coach Tim Cone na mas magiging dikitan at pisikalan ang laro sa game 3 para sa importanteng panalo.

Sagot naman ni SMB Coach Leo Austria sana hindi na umabot sa sakitan ang dalawang koponan pero kung mangyayari ito nakahanda ang Beermen.

Maghaharap ang Beer at Gin mamayang ala-siyete ng gabi sa Big Dome.

Facebook Comments