PBA | Calvin Abueva, todo pasalamat sa Alaska Aces sa dinadaanan nitong depresyon

Manila, Philippines – Walang masabi si PBA Star Calvin Abueva sa ibinibigay na suporta ng kaniyang team na Alaska Aces sa gitna ng pinagdadaanan nitong depresyon.

Todo pasalamat si Calvin dahil naunawaan daw siya ng management ng Alaska kung saan ito ang naging dahilan kaya at hindi raw muna ito magparamdam sa Aces simula noong PBA All-Star break noong nakaraang buwan.

Kahit na pinatawan ng indefinite suspension, umaasa pa din si Abueva na makakalaro pa din sa Aces sa mga susunod na araw.


Ayon pa kay Calvin, may mga kumplikadong bagay pa raw ito na kailangang ayusin pero pagtutuunan muna niya ng pansin ang pagsabak ng Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sinabi naman ni Reyes na masaya siya sa naging desisyon ni Abueva na isantabi muna ang personal nitong mga isyu para sa bansa.

Facebook Comments