PBA | Coach Chot Reyes, ikinatuwa ang pagsipot nina Calvin Abueva at Andray Blatche sa practice ng Gilas Pilipinas

Manila, Philippines- Ikinatuwa ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang pagsipot nina Calvin Abueva at naturalized player na si Andray Blatche sa practice ng national team kahapon.

Aminado si Reyes na nagduda siya noong una sa sinabi ni Blatche sa pagdating nito sa bansa kung saan inakala niya na sa susunod na linggo pa ito dadating.

Tulad ng pangako ni Blatche, nasa 100 percent condition ito pagdating niya sa practice ng Gilas pool habang new look naman ang suspended na si Abueva na nagpa-skin head.


Nabatid na sinuspinde ng Alaska ang kanilang star player matapos itong hindi magpakita at mag-report sa kanilang team ng isang linggo.

Sinabi naman ni Reyes na kahit na nagpakita si Calvin sa practice, wala daw kasiguraduhan kung makakasama ito sa line-up ng Gilas na sasabak sa third window ng FIBA World Cup qualifier na magsisimula sa June 29.

Facebook Comments