WANTED: JOWA | Zanjoe Marudo, gusto nang magka-girlfriend

Manila, Philippines – Aminado ang aktor na si Zanjoe Marudo na gusto na sana niyang magka-girlfriend bago matapos ang taong 2018.

Ayon kay Zanjoe, magiging masuwerte daw kung sinuman ang susunod niyang girlfriend dahil sigurado na raw siya kung ano ang gusto niya sa buhay.

Hopeful din si Zanjoe na magiging perfect ang kaniyang relasyon dahil naayos na daw niya ang kaniyang sarili.


Simple lang din ang hangad ng aktor kung saan tanggap daw sana ng kaniyang magiging GF kung ano ang lifestyle na gusto niya at hindi sa paraang mag-adjust pa siya para dito.

Sa kabila naman ng glamorosong mundo ng showbiz, inihayag ni Zanjoe na kuntento na daw siya sa simpleng pamumuhay.

Facebook Comments