PBA games ngayong linggo, kanselado na rin muna dahil sa Bagyong Karding

61

Hindi na muna itutuloy ang mga laro ng PBA Commissioner’s Cup ngayong araw ng Linggo.

Ayon sa pamunuan ng PBA, ito ay bilang pag-iingat sa posibleng pananalasa ng Super Typhoon Karding.

Una sanang nakatakdang magharap ang Meralco Bolts kontra NLEX Road Warriors at Converge kontra Barangay Ginebra sa Mall of Asia Arena.


Dahil dito, ire-reschedule ng PBA ang mga nasabing laro sa mga susunod na araw.

Samantala, kanselado na rin ang mga laro ng Leg 3 ng PBA 3×3 Season 2 na gaganapin sana sa September 26-27 sa Robinsons Antipolo.

Facebook Comments