OCD REGION 2, NAKATAAS NA SA RED ALERT

32
Naka red alert na ang Office of Civil Defense Region 2 (OCD), at mahigpit narin ang isinasagawang pagbabantay at pagmomonitor sa galaw ng bagyo na inaasahang mananalanta sa lambak ng Cagayan at lalawigan ng Isabela ngayong linggo, September 25.

Samantala, nakahanda na rin ang mga food and non-food packs na maipapamahagi.

Maging mga evacuation centers sa mga lugar na posibleng daanan ng bagyong Karding ay nakahanda na rin para sa mga mamamayan maapektuhan ng pananalasa ng nasabing bagyo.

Kaugnay nito, iniatas narin ang “No Sail Policy” sa lahat ng baybaying sakop ng Cagayan at Isabela upang makaiwas sa anumang maritime incidents.

Facebook Comments