Mga laro ng Shakey’s Super League at NCAA, kanselado ngayong araw dahil sa ST Karding

53

Kinansela na muna ng Shakey’s Super League (SSL) at NCAA ang kanilang mga laro ngayong linggo dahil sa banta ng Super Typhoon Karding na inaasahang maglalandfall sa Luzon ngayong araw.

Ayon sa pamunuan ng SSL, kikilalanin pa rin ang mga tickets para sa nakanselang laro ngayong araw sa bagong schedule na ilalabas.

Habang inilipat din ng schedule ang laban sa October 1 at October 2.


Nakatakda sanang maglaban ngayong araw ang Letran kontra College of St. Benilde; EAC vs. Adamson; UST vs. Lyceum at UP vs. Mapua.

Nagbukas ang Collegiate Conference ng Super League kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Samantala, inanunsiyo rin ng NCAA na wala na muna silang laro ngayong araw batay sa desisyon ng management committee.



Ibig sabihin, ire-reschedule muna ang mga laro sa pagitan ng St. Benilde at Jose Rizal University; at San Beda University kontra Perpetual Help.

Facebook Comments