PBA | GlobalPort Batang Pier, tinalo ang San Miguel Beermen; Magnolia Hotshots, tinambakan ang TNT KaTropa

26

Manila, Philippines – GlobalPort Batang Pier, tinalo ang San Miguel Beermen habang Magnolia Hotshots, tinambakan ang TNT KaTropa sa PBA Commissioners Cup.

Tinalo ng Globalport Batang Pier ang San Miguel Beermen sa kanilang naging laban kahapon sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Nanalo ang Batang Pier sa score na 98-94 kung saan kumamada ng 22-points at 8-assist si Stanley Pringle para pangunahan ang GlobalPort.

Samantala, tinapos na ng Magnolia Hotshots ang kanilang tatlong magkakasunod na talo matapos manalo kontra TNT KaTropa sa score na 111-89.

Pinagunahan ng “Angas ng Tondo’ na si Paul Lee ang jot shots na nakapagtala ng 25-points habang 18-points at 19-rebounds naman ang nai-ambag ng kanilang import na si Justin Jackson.

Facebook Comments