PBA | Kalusugan ni Christian Standhardinger mas importante sa San Miguel Beer

Manila, Philippines – Hindi pa tiyak kung makakapaglaro si Fil-German at PBA Draft Top Pick Christian Standhardinger para sa San Miguel Beermen mamayang gabi kontra Columbian Dyip sa PBA.

May iniindang injury kasi ang rookie ng SMB kaya at binabantayan pa kung kakayanin ni Standhardinger na umapak sa hard court.

Ayun kasi kay SMB Coach Leo Austria, mas mahalaga sa koponan na gumaling si Stanhardinger kesa madugtungan ang two-game winning run ng Beermen matapos simulan ang commissioner’s cup ng tatlong sunod na talo.


Pero kung si Standhardinger ang tatanungin, nais nitong maglaro para sa Beermen sa PBA at para sa Pilipinas sa FIBA 3×3 World Cup na magsisimula sa Sabado.

Facebook Comments