Tuesday, April 14, 2026

Ilang transport group, hindi sasama sa tigil pasada bukas ng grupong Manibela

Hindi makikilahok ang ilang pangunahing transport group sa ikinasang transport strike bukas ng grupong Manibela.

Itinanggi ng mga transport group na Liga ng Transportasyon (LTOP), FEJODAP, STOP and Go at grupo ng UV express ang napabalitang kabilang sila sa magtitigil-pasada bukas.

Ayon kay Ka Lando Marquez ng LTOP, masaya na sila sa ipinapakitang pagsisikap ng gobyerno na pagaanin ang kalagayan ng mga tsuper ng PUV sa gitna ng sunod-sunod na oil price hike.

Tinukoy ni Marquez ang P20 na rollback ng mga gasolinahan at ang P10 na fuel subsidy.

Maging ang mga chapter ng LTOP sa mga probinsya ay tuloy-tuloy pa ring papasada bukas.

Samantala, iginiit ng Manibela na nakukulangan sila sa interbensyon ng pamahalaan sa krisis sa langis.

Isasagawa ang transport strike sa Metro Manila at ilang pangunahing probinsya, gaya ng Cebu, Bacolod, Iloilo, Tacloban, Ormoc, Samar, Catbalogan, Catarman, Iligan, Ozamiz, General Santos City, Davao at Cagayan de Oro.

Facebook Comments