Manila, Philippines – Excited na ngayon ang mag-teammates na sina RR Garcia at Terrence Romeo sa nalalapit na PBA commissioner’s cup.
Ito kasi ang pangalawang pagkakataon na magsasama sa iisang team sa PBA ang dalawa matapos silang kunin noon bilang mga rookie ng Global Port Batang Pier.
Hangad ng dalawa na makakakuha ng championship na hindi nila nakuha noong college years nila sa FEU.
Wala din daw silang magiging problema pagdating sa rotation ng mga guards dahil kapwa sila magbibigay suporta sa isa’t-isa kasama ang veteran point guard na si Jayson Castro.
Facebook Comments