PBA | Umaatikabong bakbakan sa pagitan ng SMB at Ginebra asahan sa game 6 ng Commissioner’s Cup Finals

Manila, Philippines – Kampeonato ang inaasam ng Barangay Ginebra samantalang survival naman ang ihihirit ng defending champion San Miguel Beer sa kanilang pagtutuos sa game 6 ng PBA Commissioner’s Cup Finals mamayang gabi sa Mall of Asia Arena.

Lamang ang Gin Kings, 3-2 sa best of seven series, at isang panalo na lang ang kailangan ng mga ito para matuldukan ang pagiging hari ng Beermen sa Commissioner’s Cup.

Mula sa masaklap na 87-83 na kabiguan sa game 5, nais naman ng Beermen na mapuwersa ang winner-take-all game 7.


Pero ang Ginebra ang tatanungin, ayaw na nina LA Tenorio na umabot pa sa Game 7 ang serye dahil tiyak na mapupunta sa SMB ang momentum.

Ganito rin ang gustong mangyari ni Best Import Awardee Justine Brownlee na para makumpleto ang kaniyang double celebration.

Muling maghaharap ang Tropang Beer at Gin mamayang ala-siyete ng gabi.

Facebook Comments