PBBM, babiyaheng Japan ngayong buwan

Inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na babiyaheng Osaka, Japan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong buwan para dumalo sa World Expo at serye ng business meetings.

Bagama’t hindi pa inaanunsyo ng Palasyo ang eksaktong petsa ng pag-alis ng Pangulo, layon ng kaniyang biyahe na palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Gayundin ang pag-akit ng mas maraming dayuhang mamumuhunan.

Inaasahang ilalatag naman ng Pangulo ang mga bagong oportunidad sa ilalim ng “Bagong Pilipinas” initiative sa mga negosyanteng Hapones.

Facebook Comments