
Tatlo pang mga bansa sa Gitnang Silangan ang maaaring pagkunan ng oil supply ng Pilipinas.
Ayon kay Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad ang Russia, ito ay ang Saudi Arabia, United Arab Emirates, at Kuwait.
Sinabi ni Abad na ang naturang mga bansa ay may sobra-sobrang kapasidad ng langis na makakatulong sa mga bansang nag-aangkat ng petrolyo.
Tinukoy ni Abad ang 5.4-million barrels kada araw na kapasidad ng Saudi Arabia, UAE at Kuwait.
Una nang inihayag ng DOE na maaari ring mag-import ng langis ang Pilipinas sa Non-OPEC members na bansa tulad ng Russia, Amerika,Canada, Mexico at Brazil.
Facebook Comments