Thursday, January 15, 2026

PBBM, biyaheng Catanduanes para personal na suriin ang pinsala ng Bagyong Uwan

Magtutungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga lugar na matinding tinamaan ng Bagyong Uwan sa Bicol Region ngayong araw.

Layon ng pagbisita na personal na makita ang kalagayan ng mga residente sa Catanduanes at masiguro na nakaabot sa mga apektadong komunidad ang tulong mula sa national government.

Unang iinspeksyunin ng Pangulo ang Tubli Elementary School sa Barangay Tubli, Caramoran, Catanduanes, na isa sa mga matinding napinsala.

Susundan ito ng pagsusuri sa mga wasak na bahay at seawall sa parehong barangay, bilang bahagi ng pagtitiyak na makatatanggap ng sapat na tulong at rehabilitasyon ang mga residente.

Ang pagbisita ng Pangulo ay bahagi ng malawakang post-typhoon assessment ng pamahalaan upang agarang maipatupad ang relief, recovery, at reconstruction efforts sa mga probinsyang sinalanta ng bagyo.

Facebook Comments