PBBM, dadalo ngayong araw sa pagdiriwang ng anibersaryo ng National Kidney and Transplant Institute

Nakatakdang dumalo si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa selebrasyon ng ika-40 founding anniversary ng National Kidney and Transplant Institute o NKTI.

Ito ay gaganapin sa NKTI Atrium East Avenue, Diliman sa Lungsod ng Quezon mamayang alas-4:30 ng hapon.

Inaasahang dadalo sa programa para sa pagdiriwang ng anibersaryo ay sina Department of Health (DOH) Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire at Dr. Rose Marie O. Rosete-Liquete, Executive Director ng NKTI.


Bago naman simulan ang programa sa anibersaryo dederetso muna ang pangulo sa NKTI’s charity ward at bibisitahin ang mga indigent patients at mamimigay ng 200 hygiene kits at basket of fruits.

Inaasahan namang magbibigay ng talumpati ang pangulo sa gagawing programa.

Facebook Comments