Presong nakatakas sa airport detention cell, nahuli na

Nahuli na ng Taguig Police ang presong nakatakas mula sa Airport Police detention cell sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang bilanggo na si Ramie dela Cruz, 34 taong gulang ay tinunton ng Taguig Police matapos na humingi ng tulong ang Airport Police Department (APD).

Si Dela Cruz ay tumakas noong nakaraang linggo mula sa detention cell ng APD.


Si Dela Cruz ang sinasabing responsable sa mga nakawan ng mga kable ng kuryente sa NAIA Terminal 3 at pinapasok din nito ang mga saradong tindahan sa airport para pagnakawan.

Facebook Comments