PBBM: “Disaster preparedness at response, lalong palalakasin”

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mas pagagandahin pa ang disaster preparedness at response ng pamahalaan.

Sa vlog ng Pangulo, sinabi nitong ang bawat ahensya ng gobyerno ay may tungkuling ginagampanan pagdating sa disaster response system.

Mahalaga ito ayon sa Pangulo dahil ang Pilipinas ay isang bansa na nasa typhoon belt, ring of fire at most risk pagdating sa epekto ng climate change.


Kaya naman, sinabi ng Pangulo na mas lalo pang palalakasin ang sistema pagdating sa pagharap sa anumang sakuna.

Samantala, binanggit din sa vlog ng Pangulong Marcos ang paglibot at paginspeksyon nito sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Paeng partikular sa Cavite, BARRM at Western visayas.

Aniya, dahil sa pagtutulungan ng concerned agencies kaya narespondehan agad ang mga apektado ng bagyo.

Ito aniya ang kaniyang nais na mangyari para tuloy-tuloy ang pagbangon ng mga Pilipino at hindi matitinag sa kabila ng mga dumaang bagyo at iba pang kalamidad.

Facebook Comments