PBBM, hindi dapat utusang magpa-drug test ni VP Sara —Malacañang

Bumwelta ang Malacañang sa hamon ni Vice President Sara Duterte na magpa-drug test si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, walang sinuman ang puwedeng mag-utos sa isang Pangulo na magpa-drug test.

Ito rin aniya ang sinabi ng tagapagsalita noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Harry Roque na ang isang pangulo ay magpapa-drug test lamang kung gugustuhin niya.

Kuwestiyon ni Castro, bakit hindi inutusan noon ni VP Sara ang kaniyang ama, na mismong umamin na gumagamit ng fentanyl.

Giit ni Castro, abala ang Pangulo sa trabaho at sa pagtugis sa mga korap, habang ang iba ay nagpapasiklab ng isyu, nagwawala, at nagmumura na tila nakagamit ng ilegal na droga.

Facebook Comments