Hindi makikipagkita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Filipino community sa China kaugnay sa kanyang nakatakdang state visit sa nasabing bansa sa January 3 hanggang January 5 sa susunod na taon.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Nathaniel Imperial, ito ay dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa China, kaya kailangang sumunod sa ipinatutupad ng health protocols ng China.
Isa na aniya rito ang pagbabawal ng gathering o salo-salo.
Ang pakikipagkita sa Filipino community ang isa palaging prayoridad ni Pangulong Marcos Jr., sa mga pagbisitia nito sa ibang mga bansa.
Pero dahil sa sitwasyon ngayon sa China na marami pa rin ang nagkakasakit o nahahawa ng COVID-19 walang schedule ang pangulo na makipagkita sa Filipino community.