Tuesday, July 7, 2026

PBBM, hiniling sa Canada na linawin ang bagong immigration rules para sa mga Pinoy

Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Canada na gawing malinaw at transparent ang ipinatutupad nitong bagong immigration rules upang mabigyan ng katiyakan ang mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa naturang bansa.

Ayon sa pangulo, may mga bahagi ng bagong patakaran na hindi pa malinaw, lalo na kung paano ito makaaapekto sa mga Pilipino sa Canada.

Nilinaw ni Marcos na hindi niya hinihiling na baguhin ang batas ng naturang bansa, kundi nais lamang na maging malinaw ang mga bagong polisiya upang malaman ng mga Pilipino ang kanilang magiging katayuan.

Dagdag pa niya, mahalaga ring maunawaan ng Pilipinas ang bagong quota at mga regulasyon upang maihanda ang mga Pilipinong nais magtrabaho sa naturang bansa.

Kamakailan, matatandaang naghigpit ang Canada sa immigration policy nito, kabilang ang pagbawas sa bilang ng mga temporary foreign workers at iba pang temporary residents.

Layunin nitong mapagaan ang pressure sa pabahay at iba pang serbisyong panlipunan sa naturang bansa.

Facebook Comments