
Ipinag-utos na ng Department of Energy (DOE) ang imbestigasyon laban sa mga generation company na bigong tumugon sa show-sause srders (SCOs) kaugnay ng mandatory reportorial requirements ng Energy department.
Ang reportorial requirements ay iminamandato sa ilalim ng DOE Department Circular No. DC2026-02-0006 o ang Policy on Accountability of Entities Engaged in Power Generation to Ensure Sufficient, Reliable, Affordable, and Secure Supply of Energy in the Country kung kaya ay mahalagang magsumite ang mga generation companies nito.
Subalit umabot sa 121 power firms ang hindi tumugon sa show-cause orders laban sa mga power generation company na hindi nagsumite ng kinakailangang annual self-assessment forms kaugnay ng operasyon ng kanilang mga planta.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, sa 174 on-grid plants na pinadalhan ng SCO, 114 ang hindi man lamang tumugon o humiling ng extension, habang ang natitirang 60 ay nagbigay ng sagot, humiling ng palugit o kinilala ang abiso ng DOE.
Tiniyak naman ng kalihim na dadaan sa due process ang mga kumpanya na kanilang iimbestigahan.
Iginiit ni Garin na mahalaga ang reportorial requirements para masiguro ng generation companies na mapanatili ang sapat na suplay ng kuryente para sa mga Pilipino.










