Tuesday, July 7, 2026

Malacañang, tuloy ang trabaho kahit bumagal ang inflation

Hindi magpapakampante ang pamahalaan kahit bumagal sa 6.4% ang inflation nitong Hunyo.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), magpapatuloy ang mga hakbang ng administrasyon upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin at mabawasan ang gastusin ng mga pamilyang Pilipino.

Sinabi naman ni Department of Economy, Planning, and Development Secretary Arsenio Balisacan na malaking ginhawa ito sa mga pamilya dahil mas napagkakasya nila ang kanilang budget, lalo na sa pagkain at pamasahe.

Nauna na ring sinabi ng Palasyo na patuloy na palalakasin ng pamahalaan ang pagpasok ng mga lokal at dayuhang mamumuhunan upang makalikha ng mas maraming trabaho.

Facebook Comments