
Sa harap ng mga delegado ng United Nations, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang papel ng mga kababaihan kanyang talumpati sa ika-70 sesyon ng United Nations Commission on the Status of Women sa New York.
Ayon kay Pangulong Marcos, kasama ang kababaihan sa pamumuno at paggawa ng mahahalagang desisyon sa lipunan tulad ng sa gobyerno, negosyo, agham, diplomasya, at peacebuilding.
Hindi aniya malulutas ang malalaking hamon kung hindi kalahok ang kababaihan sa paghahanap ng solusyon.
Tiniyak din ng Pangulo na handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa ibang bansa upang itulak ang mas malawak na papel ng kababaihan sa pamumuno at pag-unlad ng lipunan.
Binigyang-diin din niya na kapag umaangat ang kababaihan, sabay na umaangat ang buong lipunan, at kapag ang mga babae ay nabibigyan ng pagkakataong mamuno, mas umuusad ang mga bansa.










